29

Sep 12, 2021 @ 15:46
By

Neil Arce nagpa-tattoo para kay Angel: First time ko ginawa ‘to para sa babae

Bilang pagpapakita ng kanyang wagas na pagmamahal, nagpaburda sa dibdib si Neil Arce ng papakpak ng anghel para sa kanyang misis na si Angel Locsin.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng film producer ang halos 5 oras na pagta-tattoo sa kanya.

“First time ko magpa-tattoo for a girl,” sey ni Arce.

“For my wife..I will only do that for my wife syempre. I know I’ll be with her forever,” nakakakilig pa niyang banat.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Arce ang kanyang opinyon sa mga taong mapanghusga sa mga taong burdado.

“Sabi ko sa sarili ko, I will never work in a place where tattoos that are seen aren’t allowed,” sambit niya.

“Hindi ko ilalagay ang sarili ko sa sitwasyon na ija-judge ako sa looks ko, or sa personal preference ko na ilagay sa katawan ko,” pagpapatuloy pa niya.

Pagbabahagi niya, krus ang naging unang tattoo niya na sumisimbolo sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Nito lamang Hulyo nang palihim na ikinasal ang dalawa sa Taguig City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?