20

Oct 6, 2021 @ 16:23
By

Neil Arce binasag tsismis: Angel ‘di kakandidato sa 2022

Muling nilinaw ni Neil Arce na walang balak ang asawang si Angel Locsin na kumandidato sa 2022 elections.

Ito ay bilang sagot na rin sa patuloy na usap-usapan na papasok na rin sa politika ang aktres na kilala sa pagtulong sa kapwa.

“To those who accused my wife of wanting to run this election just because she extended help to people in need, well.. she’s sitting here in front of me watching TV while corrupt politicians are filing their COCs. What do you have to say for yourselves now?” saad sa IG story ni Neil.

Noong Abril lang ay sinabi na ni Angel na hindi siya papasok sa politika.

“Public servant naman po kami bilang mga artista, e. I think ‘yung buhay naman namin is very public. Lahat naman ‘to ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung ‘di gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao. Pero, politics? Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko ‘yun,” saad ni Angel. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?