12

By

Negros Oriental Gov. Degamo lusot sa kasong graft

Sharing is caring!

Ibinasura ng Sandiganbayan First Division ang kasong graft laban kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo kaugnay ng umanoý maanomalyang paggamit ng P10 milyong intelligence fund noong 2013.

Kinatigan ng Korte ang quashal motion na inihain ni Degamo at ipinabalik na ang P30,000 piyansa na inilagak nito kasabay nang pag-alis sa kanyang hold departure order.

Base sa isinampang kaso, isinumite umano ni Degamo ang 2013 budget ng probinsya noong Oktubre 2012 kasama ang P10 milyong intelligence fund.

Inaprubahan ng provincial board ang budget pero inalis ang intel fund na kinuwestiyon naman ng gobernador.

Ginamit ang naturang pondo noong Abril 2013 bilang cash advance sa intelligence-related operation pero alangan dito ang Commission on Audit dahil walang ordinansa na nag-apruba nito.

Pero sabi ng Korte, hindi maaaring makasuhan si Degamo dahil hindi siya ang nakinabang sa pondo at nagkaroon din umano ng paglabag sa karapatan ng gobernador nang mabigo ang Ombudsman na tugunan ang inihain nitong motion for reconsideration.

“In other words, and as stated in the information itself, the subject amount was admittedly not for the personal benefit of the accused-movant but to defray for the expenses which were incurred for different activities related to intelligence operations,” saad ng desisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?