19

Sep 26, 2020 @ 1:38
By

Negros Occidental mayor, asawa nagpositibo sa COVID-19

Kapwa na-test na positive sa coronavirus disease ang alkalde ng Pontevedra, Negros Occidental at kanyang asawa.

Agad nag-self-quarantine sina Mayor Jose Maria Alonso at Mary Gerardine matapos magkalagnat.

Miyerkoles nang magpa-swab test ang mayor at anim pang kasama niya sa bahay sa Red Cross molecular laboratory sa Bacolod City.

Sabi ni Alonso, hindi nila alam ng kanyang misis kung saan nahawa ng COVID-19 infection dahil bihira raw silang umalis ng bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?