39

Oct 24, 2017 @ 17:49

Negosyo uusbong sa Mindanao matapos ang Marawi crisis – NEDA

Tiniyak ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na magiging mabilis ang pagbangon ng Marawi City.

Dahil ito sa inaasahang inaasahang pagpasok muli ng mga negosyante at turista sa Mindanao ngayong tapos na ang krisis sa lungsod.

“We are optimistic that the people of Marawi will be back on their feet as soon as possible. With this, we anticipate a renewed boost in business and consumer confidence in Mindanao,” pahayag ni Pernia.

Una nang iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na positibo ang inaasahang pagtaas ng pagnenegosyo sa ika-apat na quarter ng taong 2017.

Batay ito sa confidence index na umakyat sa 51.3 % ngayon mula sa 42.7% na naitala nung nakaraang quarter.

Tumaas din sa 17.8 % ang confidence index para sa ika-apat na quarter ng taon mula sa 13.6 % nung ikatlong quarter.

“This confidence is expected to be reflected in the country’s Gross Domestic Product growth rate in the fourth quarter of 2017 and the succeeding quarters of 2018,” ayon kay Pernia.

Ang National Economic Development Authority (NEDA) na pinangangasiwaan ni Pernia ay katuwang sa rehabilitasyon ng Marawi na pinangnguhan ngTask Force Bangon Marawi na nilikha ni Pangulong Duterte. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?