13

Jun 10, 2021 @ 17:46
By

Negosyo, mas mainam kapag may safety seal – DTI

Pinirmahan ng limang miyembro ng gabinete ang Joint Memorandum Circular 21-01 na nagtataguyod ng Safety Seal Certification Program para sa mga establisyimentong pang-negosyo.

Sa ilalim ng programa ay maga-apply ang mga negosyo para magkaroon ng safety seal sa labas ng kanilang pwesto o establisyimento.

Ang pagkakaroon ng safety seal ay nangangahulugan na ang establisyimento ay sumusunod sa mga health and safety protocol gaya ng social distancing tamang ventilation, pagsusuot ng face mask at face shield.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi naman mandatory ang pagkakaroon ng safety seal ngunit bibigyan nito ng bentahe ang mga mayroon nito.

“‘Yung mga meron niyan, at least alam na ng mga tao even without asking malayo pa lang makita na nya na: dito, safe dito. It could be a marketing strategy din ng mga companies na pang-attract din ito ng customers nila,” aniya.

Ang mga may business permit lamang ang maaaring makakuha ng safety seal at makakapagapply naman sa pamamagitan ng pagpunta sa website na StaySafe.ph.

Samantala, ang limang ahensya na pumirma sa memorandum ay ang Department of Trade and Industry, Department of Tourism, Department of Labor and Employment, Department of Health at Department of Interior and Local Government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?