29
gun-point

Negosyanteng Vietnamese binaril sa ulo, patay

Sharing is caring!

Labis ang paghihinagpis ng mga kaanak ng isang negosyanteng Vietnamese matapos hindi na umabot nang buhay ang biktima sa ospital.

Namatay si Van Son Le, 31-anyos, matapos barilin sa ulo habang naglalakad sa may Barangay Sto. Cristo, Guagua, Pampanga nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa inisyal na ulat, isang bala ng kalibre .45 na baril ang tumapos sa buhay ni Le na tinamaan sa kaliwang tenga.

Dalawang anggulo umano ang tinitignang motibo sa krimen, una ay ang robbery dahil sa nawawala ang belt bag ng biktima.

Pangalawa umano ang may kinalaman sa negosyo dahil nagbu-buy and sell ng appliances si Le.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang salarin sa nasabing pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?