108

Sep 28, 2020 @ 15:08
By

Negosyanteng nakipagtalo kay Vico lumambot

Humihingi ngayon ng ceasefire ang Filipino-Chinese businessman na nag-viral sa social media matapos makipagtalo kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Nag-ugat ito sa pagdedemolis ng negosyante sa isa umanong bahay nang walang court order at permit.

Ayon kay Sotto, kabilang sa mga naging violation ng negosyante ay ang pag-iwan ng truck at crane sa gitna ng kalsada at pagsira ng humps.

Bukod doon ay minura at hinamon ng negosyante ang ilang opisyales ng Pasig LGU na nagpapaliwanag sa kanya.

Binaliktad din umano ng negosyante ang kuwento at naghain ng letter complaint sa Malacañang laban sa Pasig LGU nang ipatigil ang ginagawa nilang demolisyon.

“Dami nang nag comment tungkol dito (some out of context) Marami siyang violation, pero ang MAIN ISSUE rito: Ilang beses na nilang sinubukan magpatayo ng building na WALANG BUILDING PERMIT. Tapos hinarangan ng truck at crane nila ang PUBLIC ROAD. Nakasira pa sila ng humps,” giit ni Sotto sa Twitter post nitong Sept. 28.

Inihahanda na aniya ang mga kasong kriminal at administratibo laban sa negosyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?