121
Dead
Dec 17, 2017 @ 10:04
By

Negosyanteng Bumbay, itinumba sa Sultan Kudarat

Isang Indian national na may negosyong 5-6 o pautang ang pinaslang ng mga hin dikilalang salarin sa lungsod ng Tacurong sa Sultan Kudarat sa magulong rehiyon ng Mindanao.

Sinabi ng pulisya kahapon na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa pagkakapatay kay Harpeet Dhillon, 27, na pinagbabaril kamakalawa habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Brgy. San Emanuel. Dead on the spot ang dayuhan dahil sa tama ng mga bala ng baril sa ulo at katawan.

Agad namang tumakas ang dalawang salarin na sakay ng kanilang motorsiklo. Hindi pa mabatid ang motibo sa krimen ngunit may hinala na posibleng konektado ito sa kaniyang negosyo. Inaalam na rin ng pulisya ang mga pangalan ng mga taong may utang kay Dhillon.

Nitong taon lamang, ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga Indian national na nagpapautang ng 5-6 dahil sa mataas nitong singil sa interes na P20 sa bawat P100 pinauutang nito. Bukod sa 5-6 ay nagbebenta rin ang mga ito ng mga kumot, kulambo at kung ano-ano pa at karamihan ay nag-aasawa ng mga Filipina upang mabigyan sila ng permiso na manirahan sa bansa.

Kalimitan ay ginagamit rin ng mga ito ang kanilang asawang Pinay sa pangongolekta ng utang at mistulang katulong sa bahay. (Al Jacinto)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?