491

Jan 17, 2020 @ 13:27
By

Negosyante tinodas sa sariling hotel

Walong araw nang pinaghahanap ang isang 70-anyos na negosyante bago matagpuang wala nang buhay at lumulutang sa sceptic tank ng pagmamay-aring hotel.

Nakita ng pamilya ni Emilio Aytona Jr. sa CCTV kung paano ito pinatay noong Enero 8, 2020 gamit ang bakal o tubo.

Ang salarin, ang pitong-taong kawani ng pamilya na si Nestor Quiñones, 54 anyos.

Giit ng suspek, hindi sila nagkasundo sa pinagagawang kisame ng biktima.

“Sabi ko magtipid tayo. Sabi niya hindi, sinasabihan ka, tinulak niya ako tapos kumapa ako sa baba nakuha ko ‘yung tubo, pinalo ko siyang 3 beses,” hayag ni Quiñones sa isang ulat.

Gamit ang nylon wire, hinila ng suspek si Aytona mula bodega ng hotel patungong kulungan ng manok, at doon tinago sa septic tank.

Hindi tumakas si Quiñones at nagpatuloy sa pagtatrabaho sa Pamilya Aytona, hanggang mahuli ng mga awtoridad at sampahan ng kasong murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?