36

Mar 6, 2021 @ 10:52
By

Negosyante tinodas ng mga kelot sa Pasig

Utas ang isang negosyante matapos tadtarin ng saksak ng kanyang mga customer sa Pasig City.

Kinilala ng mga awtoridad ang isa sa tatlong suspek na si Jerome Adawag “Alyas Kape” na 20-anyos.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, sa isang computer shop na naabutan ang dalawa pang menor de edad na suspek.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakapagmaneho pa ang biktima papuntang ospital matapos pagsasaksakin ngunit nadisgrasya pa umano ito.

Agad namang itinakbo sa ospital ang 51-anyos na biktima ngunit binawian din ng buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?