15
arrested-arestado-timbog
By

Negosyante timbog sa robbery extortion sa quarry site

Sharing is caring!

Arestado ang isang lalaki matapos makorner sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa loob ng isang quarry site sa Pampanga.

Ang nadampot ay si Henry Layug y Malutac, 42-anyos, negosyante, at residente ng #50, Purok 4, Brgy. Del Rosario, San Fernando City, Pampanga.

Sa ikinasang operasyon ng CIDG RFU 3, huli sa aktong tinatanggap ni Layug ang dusted money galing sa nagreklamo na nagsilbing extorted money para maging ebidensya laban sa negosyante.

Nangyari ang panghuhuli nitong Miyerkoles, Oktubre 10, kung saan nakumpiska ng mga awtoridad ang limang piraso ng P100 at P5,000 marked money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?