19
May-ari ng car shop arestado sa pagnanakaw ng sasakyan
Jun 21, 2021 @ 21:57
By

Negosyante tiklo sa pagbenta ng vaccination slot sa Maynila

Nadakip ang isang negosyante matapos umanong magbenta ng COVID-19 vaccination slot sa Maynila.

Ayon sa ulat, nagsagawa ang Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team ng entrapment operation noong June 11 na nagresulta sa pagkadakip kay James Chua, 35, taga-Bacoor, Cavite.

Bago nito isang delivery rider na si Reckcham Salubre ang nagsabi sa mga awtoridad na nag-pick up siya ng pera sa ilang Chinese national na nakatira sa Binondo.

Nadiskubreng ang pera ay bayad sa mga vaccination slot na pinamamahalaan ng Manila Health Department.

Mahaharap ang 35-anyos na negosyante sa paglabag sa False Pretense o Fraudulent Representation ng Revised Penal Code at Manila City Ordinance 8740.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?