3
ban
By

Negosyante, tiklo sa gun ban sa Bulacan

Sharing is caring!

Nadakip ang isang negosyante matapos lumabag sa umiiral na gun ban.

Kinilala itong si Fernando Garcia III, 59-anyos, residente ng No. 613 Canlapan, Sto. Rosario, Malolos, Bulacan.

Sa ulat ng Philippine National Police, naaresto ang negosyante sa Comelec checkpoint sa Brgy. Poblacion, Guiguinto kaninang alas-12:25 ng madaling-araw matapos makuhanan ng isang Glock pistol 9mm sa kanang upuan ng kanyang sasakyan.

Agad na dinala sa police station ang naarestong negosyante at nakatakda nang sampahan ng kaso.

Umiiral ang gun ban mula ngayong araw (Abril 14) hanggang Mayo 21, 2018 kaugnay sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?