16
droga
By

Negosyante, tiklo sa droga

Sharing is caring!

Arestado ang isang negosyante matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Barangay Bambang, Pasig City.

Kulong ang suspek na si Raja Alonto, nasa hustong gulang at residente ng Balderama St., Bambang, Pasig City at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Batay sa report, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang pulisya bandang alas-4:30 kamakalawa ng hapon sa Jeepney Garage na matatagpuan sa N. Balderama St. Bambang, Pasig City.

Umaktong poseur buyer ang isang kagawad at nang ibibigay na ang droga ay doon na agad dinakma ang suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu at P200.00 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }