350

By

Negosyante, saleslady dedo sa nakaparadang sasakyan

Patay nang matagpuan ang isang negosyante at isang saleslady sa loob ng sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada sa San Antonio, Roxas, Isabela noong Martes.

Kinilala ni Roxas Police Station (RPS) ang mga biktima na sina Thomas Gregocha, 59, balo, negosyante, ng Rizal, Roxas, Isabela at Crispina Gragasin, 19, ng Nueva Era, San Manuel, Isabela.

Base sa report, ayon kay RPS officer-in-charge P/Maj. Arturo Cachero ang bangkay nina Gregocha at Gragasin ay natagpuan sa loob ng Toyota pick-up na may plakang AJA-1218 na umano’y pag-aari ng negosyante.

Sinabi ni Cachero, nakilala ang mga biktima dahil sa kanilang mga identification card na nakuha ng mga RPS Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Sa imbestigasyon, sinabi ng RPS na may tama ng bala ng baril ang kanang bintana ng sasakyan at natagpuan din sa loob ng sasakyan ang dalawang basyo ng bala, isang slug at isang .9mm pistol.

Ayon kay Cachero, may tama ng bala ng baril ang kaliwang bahagi ng ulo ng saleslady habang sa kanang bahagi ng ulo ni Gregocha.

Sa ngayon, isang palaisipan at patuloy ang follow-up imbestigasyon ng RPS kung ano ang dahilan ng pagbaril sa dalawang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?