79

By

Negosyante, kanyang driver nakaligtas sa ambush

Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang negosyante na tinambangan ng riding in tandem habang sakay ng kanyang sasakyan sa national road sa Lipa City Lunes ng umaga.

Mapalad na hindi tinamaan ng mga suspek ang negosyanteng kinilalang si Ronald Rivera at ang driver nito na si Rey Consurte.

Batay sa kuha ng CCTV camera, tinatahak ng mga ito ang JP Laurel Highway sa Barangay Tambo nang tapatan ito ng galing sa likuran na nakamotorsiklong mga suspek alas-8:45 ng umaga.

Ilang beses na pinagbabaril ang sasakyan at saka mabilis na nag-U-turn pabalik ang motorsiklo ng mga hindi nakilalang suspek.

Ayon sa Lipa City police, patungo ang mga biktima sa Remix batching plant nang ito ay tambangan.

Sinasabing may kinalaman sa pagiging kontraktor ng biktima sa ilang mga proyekto sa Batangas at Cavite ang dahilan sa tangkang pagpatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?