100

Feb 2, 2020 @ 18:00
By

Negosyante huli sa baril, droga sa North Cotabato

Arestado ang isang negosyante matapos mahulihan ng baril at droga sa kanyang bahay sa ikinasang search warrant ng Kabacan town police kagabi, Pebrero 1.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) si King Gatus Saladaga, 29-anyos na grocery store owner at residente ng USM Avenue, Barangay Poblacion sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Maj. Peter Pinalgan Jr., Kabacan town police chief, inihain ang search warrant laban kay Saladaga na inisyu Judge Henelinda Molina-Diaz ng Regional Trial Court (RTC) 12 matapos magpositibo sa iligal na gawain ang suspek matapos ang isang-linggong surveillance operation.

Sa naganap na search warrant, hindi naipakita ng suspek ang permit to carry firearms sa nakumpiskang dalawang .45-caliber pistols at nakumpiska rin ang 11 sachet na naglalaman ng shabu, drug paraphernalia at P12,000 cash.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?