71

Oct 27, 2017 @ 14:54

Negatibong comment sa FB, idinepensa ni Abella

Viral ngayon sa social media ang isang negatibong comment mula sa official web page ng Office of the Presidential Spokesperson (OPS) laban sa dalawang journalists habang nasa kasagsagan ng regular press briefing noong Biyernes na naka-live sa Facebook.

Ang comment na pinagpiyestahan ng mga netizens ay mula sa official account ng OPS sa FB patungkol kina Pia Ranada ng Rappler at Lourd de Vera ng TV5 .

“Si Pia at si Lourd de Vera pantay na sa kakupalan,” ang nakasaad sa comment thread na nakita sa FB live ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Pagkatapos ng news briefing ay hindi na makita ang video feed sa FB page ng PCOO at walang ibinigay na dahilan kung bakit inalis ito.

Agad namang naglabas ng pahayag si Presidential Spokesman Ernesto Abella at nilinaw na ang comment ay kagagawan umano ng dating administrator ng page na hindi na konektado sa kanilang tanggapan.

“The aforementioned comment was written by a former administrator of the page who is no longer connected with the office. The said comment does not reflect the official and personal views of the Presidential Spokesperson or his office on the individuals being referred to.

“The OPS Team has immediately acted on the situation by removing the former administrator’s access to the page and restricting page roles,” ang paliwanag ni Abella. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?