58

Dec 15, 2017 @ 10:59
By

NEDA: ML extension, more positive than negative

Kung ang mga economic managers ng bansa ang tatanungin, positibo ang hatid ng pagdedeklara ng martial law sa Mindanao lalo na pagdating sa usapin ng inflation at investments.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang unang pagsasailalim ng martial law sa Mindanao ay nagdulot ng positibong resulta sa local economy, ang pagkakaresolba umano ng Marawi Seige ay nagboost ng investor confidence kaya naman kung mas palalawigin pa ang pagsasailalim sa batas militar sa rehiyon na tututok sa iba pang problema sa terorismo ay tiyak na maganda ang idudulot nito.

“What happened up to the end of the year seems to be well-administered, well-managed,the declaration of martial law in the region was more positive than negative”pahayag ni Pernia.

Paliwanag naman ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na maraming indikasyon na magpapatunay na hindi nakaapekto sa ibang rehiyon sa bansa kahit pa man umiiral ang martial law sa Mindanao, aniya, maganda pa rin ang turismo kahit nasa ilalim ng martial ang Mindanao.

“Recent developments in Mindanao was neutral in general, it was positive for inflation and investments in the country. Our best indication is really what happened during the current situation where you have a martial law in Mindanao, and then we look at what happened in the goods market in terms of inflation, in terms of tourism, in terms of construction, in terms of shipping. And from these indicators, we see that there was really no discernible impact of the martial law declaration on Mindanao”paliwanag ni Edillon.

Kabaligtaran pa umano ang nangyari dahil matapos maideklara ang martial law sa Mindanao ay marami pang investments ang pumasok sa rehiyon.

“A lot of that is mainly because of Davao. But again, this also goes to show that the rest of investors actually were able to isolate the Marawi crisis from the martial law declaration and that it did not affect their decision,” pagtatapos pa ni Edillon.

Una nang nang inapruahan ng Kongreso ang pagpapalawig ng martial law ng 1 taon mula Enero 1,2018 hanggang Decmber 31,2018. (Tina Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?