18
marawi2

NEDA: Marawi rehab kakain ng P53.4-B

Sharing is caring!

Mangangailangan ng P53.4 bilyon ang pagbabangon sa Marawi na nasira sa pagkubkob ng Maute group ng limang buwan.

Ito ang inihayag ng National Economic Development Authority, alinsabay sa anibersaryo ng Marawi siege.

Nito lang 2018, sinabi ng gobyerno na mangangailangan ito ng P26.2 bilyon, kung saan P15 bilyon dito ay kukunin sa national budget habang ang iba pa ay mula sa mga tulong.

Kaugnay nito, isang grupo ng Filipino-Chinese ang nagbigay na ng proposal na P17 billion hanggang P20 billion para itayong muli ang lugar na inaasahang masisimulan sa Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?