144
NEDA: 28 infra projects ng Duterte admin, makukumpleto sa 2022
Mar 5, 2019 @ 14:10
By

NEDA: 28 infra projects ng Duterte admin, makukumpleto sa 2022

Nakatakda umanong matapos ang 28 sa 75 na malalaking proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” (BBB) program ng gobyerno sa 2022.

Ito ang tinuran ni National Economic Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Jonathan Uy sa Senate hearing tungkol sa BBB program.

“The agencies have committed to the administration that the 28 will be completed, this is about P319 billion out of the P2.17 trillion,” ani Uy.

Bumaba umano ang bilang na ito mula sa 31 dahil mayroon pang tatlong proyekto na isasailalim sa review kabilang na ang Mindanao Rail project dahil sa alignment at iba pang technical considerations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?