189

Jan 7, 2021 @ 14:18
By

Nebrija sumagot kung tatakbo sa politika: Kung mabibigyan ng pagkakataon, bakit hindi?

Hindi sinasarado ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic czar Bong Nebrija ang kanyang pinto sa pagpasok sa politika.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, sinabi ni Nebrija na may mga nag-uudyok sa kanya para tumakbo sa eleksyon, ngunit giniit nito na tingin niya’y mas bagay siya na magtrabaho sa ground.

“Parang mas effective ako as a person on the ground, an executioner ng mga plano,” lahad ni Nebrija.

Ngunit binahagi nito na bukas siya sa posibilidad na maging politiko sa hinaharap.

“Hindi ko naman isinasantabi ‘yan na kung mabibigyan ng pagkakataon, bakit hindi?” saad ng traffic operations chief ng MMDA.

Pakiusap ni Nebrija sa publiko, huwag sanang idikit ang kanyang pagtatrabaho sa MMDA para magpabango sakaling tumakbo siya sa eleksyon.

“Pero sana huwag masamain ng mga kababayan natin na hindi ko po ginagamit itong trabaho ko sa MMDA para for a purpose of running to an office in the future,” paliwanag ni Nebrija.

“Para sa bayan lang talaga ang adhikain namin para makatulong, makapagsilbi, makapagserbisyo,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?