39

May 12, 2020 @ 17:35
By

NDRRMC: P1.2B tinabi para sa hagupit ng ‘Ambo’

Sa kabila ng COVID-19 pandemic, naglaan na ng pondo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) para sa bagyong ‘Ambo’.

Nagtabi ng P1.2-billion ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan kasama ang 412,238 na family food pack na nagkakahalaga ng P179 million, P780 million ding halaga ng mga pagkain at iba pa, gayundin ang P244 million na standby fund.

“These shall be augmented when the need arises. All transport logistics assets for hauling or relief resources are ready,” saad ng NDRRMC.

May lakas ang tropical depression na ‘Ambo’ na 55 kilometer per hour, at pagbugso na umaabot sa 70 kilometer per hour.

Magdudulot ng pabugso-bugsong malalakas na buhos ng ulan ang nasabing bagyo sa Mindanao sa susunod na 24 oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?