108

Dec 15, 2017 @ 13:22
By

NDRRMC, naka-red alert na dahil sa bagyong Urduja

Naka-red alert na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Urduja.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, epektibo alas-otso ng umaga kanina ay itinaas na ang alerto ng ahensiya maging ang kanilang mga regional office na ang lugar ay sentro ng bagyong Urduja.

Ibig sabihin nito, magko-convene o magpupulong na ngayon ang mga national regional at local councils para sabay-sabay na magmo-monitor sa operation center ng NDRRMC sa mga lugar na sentro ng bagyo.

Sinabi pa ni Marasigan na hanggang ngayong umaga umabot na sa 8K katao ang stranded.

Ang walong stranded ay mula sa Eastern Visayas, Bicol Region at Western Visayas.

Paalala naman ni Marasigan sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na sentro ng bagyo na mas maging alerto. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?