21

By

NDRRMC nagbabala: Maaraw na klima sa kabila ng Ompong, ‘di dapat ikakampante

Sharing is caring!

Kahit na nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang tropical cyclone na Ompong, tila mainit at maaraw pa rin ang nararansan sa karamihan ng mga lugar.

Ipinaliwanag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesman Edgar Posadas na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang naturang maaring maging ‘super typhoon’ dahil maaring maulit ang delubyo ng Yolanda.

“‘Yung reports kanina maaraw pero ‘yun din ang panawagan ko kanina. Sabi ko ‘wag tayo magpapakasigurado. Kasi remember ‘yung Yolanda, the day prior, mainit at maaraw pero noong kinabukasan ‘yun na ‘yung delubyo,” saad ni Posadas sa report ng GMA news.

Tinataya pa nga ni Posadas na maaring mas maging malakas pa ito sa Yolanda dahil mas malaki ang diametro nito na 900 km kumpara sa 600 km ng huli.

Ngayong alas-10 ng umaga, may lakas na 205 km/h na ang bagyo at pagbugso na aabot hanggang 255 km/h.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?