28

By

NDRRMC: Magkapatid nabaon sa lupa dahil sa bagyong Ompong

Sharing is caring!

Dalawang magkapatid na babae ang binaon sa lupa dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong, nitong Sabado, Setyembre 15.

Batay sa report na nakalap mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), unang nasawi si Grace Ganabe, 45-anyos, residente ng Youngland, Camp 7, Barangay Bakakeng Central, Baguio CIty nang matabunan ng lupa ang biktima makaraang gumuho ang lupa nakinatitirikan ng kanilang bahay.

Inabot ng halos isang oras bago nakuha ang biktima na sinubukan pang isalba ngunit hindi na umabot pa ng buhay habang nasa pagamutan din ang kapatid nito na nasugatan sa pagguho ng lupa.

Malubhang nasugatan ang kapatid ng nasawi na si Shaina Mae Laroco Pascua, 19-anyos, na kapwa dinala sa pagamutan subalit namatay rin makalipas ailang oras na gamutan.

Base pa sa tala ng NDRRMC, apat naman ang nasugatan sa naganap na pananalasa ng bagyong Ompong. Dalawang ang naitala sa Baguio City at dalawa sa Marikina City habang dalawa rin ang naiulat na nawawala sa Itogon, Benguet. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?