58

Apr 14, 2021 @ 20:23
By

NDRRMC: Maghanda sa bagyong Bising

Inatasan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga regional counterpart nito na simulan na ang paghahanda para sa mga posibleng epekto ng Tropical Storm Surigae.

Ayon sa Pagasa, maaari itong lumakas bilang severe tropical storm sa susunod na 24 oras at inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility bilang “Bising” sa Biyernes.

Sa isang memorandum, inutos ng NDRRMC sa mga opisyal ng regional disaster risk reduction and management council, Office of Civil Defense regional office at local DRRM council na makipag-ugnayan sa mga residente.

Pinahahanda rin ang kani-kanilang emergency operations center.

“The public is also reminded to take precautionary measures in anticipation of the possible effects of the storm alongside the observance of minimum public health standards against COVID-19,” saad ng NDRRMC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?