11

By

NDRRMC hirap sa pagkalap ng impormasyon sa pinsalang gawa ng ‘Ompong’

Sharing is caring!

Hindi pa makapagsagawa ng assessment report ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa malakas pa ring ulan at hangin sa Region 2.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ring Chairman ng NDRRMC, hindi pa makapaglibot ang kanilang mga tauhan para makita ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyo.

Pero tiniyak ni Lorenzana na nakahanda ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Rapid Deployment Teams para alalayan ang mga mamamayang nangangailangan ng tulong.

Nakahanda na aniya ang mga tulong para sa mga evacuee at ililipad ng C-130 sa sandaling gumanda ang panahon.

Sinabi ni Lorenzana na sa ngayon ay wala pang naiulat na casualty sa Region 2 at umaasang sana ay walang nagbuwis ng buhay o nasugatan sa pananalasa ng bagyong Ompong.

“Malakas pa yung bagyo kaya yung mga tauhan ng NDRRMC ay hindi pa makapag-assess ng damage. Maghintay muna ng ilang oras at hintaying humupa ang hangin para makapaglibot hanggang mamayang hapon,” ani Lorenzana. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?