15
domeng2
By

NDRRMC: 3 katao kumpirmadong patay sa habagat, bagyong Domeng

Sharing is caring!

Nasawi ang tatlong indibiduwal dahil sa epekto ng habagat na pinalakas ng bagyong Domeng sa kabila na nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Edgar Posadas, huling naitala ng kanilang ahensiya ang dalawa katao na natabunan ng lupa kahapon sa ginagawang condominium sa Salud Mitra, Baguio City.

Kinilala ang mga ito na sina Engr. Patrick Lachica, project engineer ng ipinapatayong condo, at ang human relations officer na si Hannah Jean Aragon.

Una rito, sa pananalasa ng bagyong Domeng naitalang nasawi ang isang indibiduwal na kinilalang si Algemon Dalisam Nuñez, residente ng Brgy. Corong Corong, El Nido, Palawan.

Nawala ito matapos na mahulog sa dagat mula sa sinasakyang jetski dahil sa lakas ng hangin.

Magdamagan naman ang monitoring na ginagawa ng Operation Center ng NDRRMC upang mamonitor ang mga lugar na patuloy ang pagbuhos ng ulan dulot ng habagat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?