31

By

Ndiaye, TIP niligwak ang Black Mamba

‘Di na nag-aksaya ng panahon ang Technological Institute of the Philippines sa pagkumpleto sa semifinals ng 9th PBA D-League Foundation Cup 2019 nang kunin lang sa isang laklakan ang Black Mamba, 82-71, Lunes ng gabi sa Paco Arena sa Maynila.

Naglista si Senegalese big man Papa Ndiaye ng krusyal na 22 points at 9 rebounds habang bakas si Rey de Mesa naman ng 12 markers, 4 rebounds at 3 dimes para pagbakasyunin na ng may twice-to-beat edge Engineers ang Energy Drink.

Umagwat ng 16 sa 1st half, 30-14, ang mga inhinyero. Pero umngas ang Black Mamba sa pagdikit sa 46-44 sa 3rd quarter. Sumagot pagkaraan ang TIP ang kasalungat ng 16-5 blitz sa pangunguna ni Jun Bonsubre at masiguradong walang winner-take-all game.

“We just kept at it,” ani coach Potit de Vera. “From start to finish, we just kept at what we keep practicing every day.”

Tutok na ang TIP sa Marinerong Pilipino na makakaharap sa best-of-three semifinals ng liga.

“Poetic justice ba? Marinero-TIP last conference,” wika De Vera. “We’re gonna compete hard against them.”

‘Di nagbunga ang pinaghirapang 17 pts. at 10 boards sa Energy Drink ni Dahrell Caraquian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?