NDFP, naghihintay pa ng ‘notice of termination’ sa peace talks

Sharing is caring!

Hinihintay pa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang notice of termination ng gobyerno sa peace talks.

Ito’y matapos tuluyang ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo.

Sa statement ng grupo na may petsang Nobyembre 24, sinabi ng NDFP na inaasahan nilang susunod ang gobyerno sa protocol on termination.

Ayon sa NDFP, magkakabisa lang ang termination 30 na araw pagkatanggap nila ng kopya ng formal notice na nakapaloob sa Proclamation No. 360 na nilagdaan ng Pangulo.

Paliwanag ng NDFP, malinaw na nakasaad sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), na kailangang matanggap ang notice ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) bago tuluyang mabasura ang peace talks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?