54

Oct 28, 2017 @ 12:18

NCRPO: Walang banta sa ASEAN Summit

Sa kabila ng pagkakaaresto sa sinasabing financier ng Maute group sa Quezon City, tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Director Oscar Albayalde na walang banta sa pagdaraos sa bansa ng ASEAN Summit sa Nobyembre.

Aniya, wala silang namo-monitor na ‘clear and present danger’ sa world event na dadaluhan ng mga matataas na lider ng ibang bansa kasama na si US President Donald Trump.

Ngunit, sinabi ni Albayalde na hindi ito sapat na dahilan para magpakampante na ang pulisya para matiyak na magiging ligtas at payapa ang gaganaping summit sa Nobyembre 10-15.

Kasabay nito, inihayag ng opisyal na 5,300 pulis ang magbabantay sa paggunita sa Undas sa Metro Manila.

Aniya, pangunahin nilang babantayan ang mga libingan, shopping malls, simbahan, public transport terminals at iba pang mga pampublikong lugar.

Ang Undas duty ng mga pulis ay magsisimula na ngayon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?