31
guillermo-eleazar
By

NCRPO puspusan na ang paghahanda kay ‘Ompong’

Pinaalalahanan na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang kanyang limang district directors hanggang sa mga hepe ng istasyon ng pulisya sa posibleng maging epekto ng super bagyong Ompong sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar tutulong sila na maabot ang ‘zero casualty target’ sa paparating na kalamidad.

Aniya kailangan nilang pag-ibayuhin ang seguridad at kung maari ay magsasagawa sila ng rescue operations.

Dagdag pa ni Eleazar inihanda na rin nila ang ang Search and Rescue personnel at maging ang kanilang mga rescue equipment.

Inatasan din niya ang kanyang mga field commander na makipag ugnayan sa mga local government unit gayundin sa local disaster management councils.

Kasabay nito nanawagan si Eleazar sa publiko na regular na subaybayan ang weather updates at sumunod sa abiso ng kanilang lokal na pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?