59

Oct 31, 2017 @ 14:07

NCRPO police, ipinakalat na ngayong Undas

Umabot sa 13,934  na pinagsanib na puwersa ng mga pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), mga barangay tanod, security guards at mga volunteer mula sa non-government organization (NGO) ang ipinakalat ngayong Undas.

Ayon kay NCRPO spokesman Police Chief Insp. Kim Molitas, may 82 sementeryo, 21 kolumbaryo, 182 simbahan, 75 bus terminals, dalawang pantalan at apat na airports ang babantayan ng pinagsanib na puwersa.

Patuloy aniya silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang government agencies kaugnay sa ipinatutupad na security patrols.

Naglagay din ang NCRPO ng assistance hubs sa lahat ng airports, bus terminal, simbahan, vital installations at mga lugar na dagsa ang tao.

Nagsasagawa rin aniya sila ng information campaign upang bigyang-babala ang publiko kaugnay sa modus ng mga criminal group ngayong Undas.

Nakaantabay din ang quick reaction teams ng NCRPO na ide-deploy kung kinakailangan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?