47

Dec 26, 2017 @ 11:50
By

NCRPO nakatutok na sa pagsalubong sa 2018

Matapos ideklarang ‘generally peaceful’ ang paggunita ng araw ng Pasko sa Metro Manila, sinabi ni NCRPO chief, Police Director Oscar Albayalde na tutukan naman nila ang gagawing pagsalubong sa bagong taon.

Sinabi ni Albayalde partikular nilang babantayan ang paggamit ng mga paputok at ang mga ilegal na magpapaputok ng baril.

Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan para istriktong maipatupad ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa designated fireworks area kung saan lang maaring gamitin ang mga paputok.

Nanawagan si Albayalde sa mga magulang na mahigpit na bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng mga paputok.

“ Let us make sure no child will loss a finger. This season is suppose for them to enjoy,” ani Albayalde.

Bukod dito babantayan na rin ang mga areas of convergence o mga lugar kung saan madalas naiipon ang malaking bilang ng mga tao, gayundin ang mga vital installations gaya ng mga communication at power facilities.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?