60

Nov 10, 2017 @ 12:27
By

NCRPO, nagdasal para sa payapang ASEAN Summit

Nagdasal ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ikapapayapa ng gaganaping ASEAN Summit sa bansa.

Ayon kay NCRPO Chief, Police Director Oscar Albayalde, importante na magkaroon ng gabay sa Panginoon ang gaganaping pandaigdigang pagtitipon upang maging mapayapa ito.

Kulang aniya kung paghahanda lamang ng Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang gagawin sa gaganaping summit.

Importante aniya sa paghahanda ay may kalakip na pagdarasal.

“In almost a year of security preparations for the 31st ASEAN Summit, I believe we have prepared everything, however one thing that we must not forget to include in our preparedness and readiness is prayer and Divine Intervention,” sinabi ni Albayalde.

Pinaalalahanan din ni Albayalde sa mga pulis na naka-deploy ngayong ASEAN Summit na isaisip at gawin ang kahalagahan ng teamwork, kooperasyon, sakripisyo, pag-alerto, pagkukusa at ipatupad ang maximum tolerance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?