13

By

NCRPO: Naarestong tambay umabot na sa halos 50,000

Sharing is caring!

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga tambay na dinakip ng mga pulis sa Metro Manila.

Sa pinakahuling tala hanggang kaninang alas-singko ng umaga, pumalo na ang bilang ng mga ito sa halos 50,000 sa loob ng isang buwan, ayon sa datos mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kabuuang 49,304 ang mga naaresto sa Metro Manila matapos paigtingin ng pulisya ang pagpapatupad sa mga lokal na ordinansa kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring pagmulan ng gulo ang mga tambay.

Kalahati ng nasabing bilang ay nahuli ng Eastern Police District na sumasaklaw sa mga siyudad ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan.

Pinakamarami sa hinuli ay dahil sa paninigarilyo sa lansangan.

May mga inaresto din dahil sa paglabag sa mga ordinansa na nagbabawal sa paglabas ng bahay nang walang suot na damit pang-itaas at pagsusugal.

Halos 30,000 naman sa mga naaresto ay binigyan lang ng warning at pinalaya rin, sabi ni Director Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Ang iba naman ay pinagmulta habang ang iba ay kinasuhan sa piskalya lalo ang may mabibigat na kaso tulad ng paggamit ng iligal na droga o pagdadala ng armas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?