11,711

By

NCRPO chief Eleazar binastos ng 3 hotel guard

Sharing is caring!

Hindi iginalang ng tatlong security guard ng Shangri-La BGC si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.

Sa ulat ng Southern Police District, alas-7:30 ng Huwebes, Setyembre 13, nang mangyari ang insidente.

Sa kuwento mismo ni Eleazar sinabi nito na sakay siya ng kanyang service na itim na Mitsubishi Montero na may tatak na NCRPO at papasok ng driveway ng hotel ng harangin sila ng dalawang guwardiya.

Aniya nagpakilala na siya at sinabing nagmamadali sa kanyang appointment ngunit isa sa mga guwardiya ang pasigaw na nagsabing, “Mga senador nga na walang coordination ini-inspect namin.”

Sinabi ni Eleazar na ipinagtataka niya kung bakit kailangan pang buksan ang compartment ng isang police vehicle na may sakay na opisyal.

Kinilala ang mga guwardiya na humarang kay Eleazar na sina Jonathan Agrito at Harold Burgos maging ang K9 handler na si Glen Garcia, pawang taga-Agro Security Service.

Ipapatawag ng Taguig City Police ang tatlo maging ang security manager ng hotel para magpaliwanag ukol sa insidente. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?