55

Jul 23, 2021 @ 11:06
By

NCR sinailalim sa GCQ ‘with heightened restrictions’

Inilagay sa general community quarantine ‘with heightened restrictions’ ang Metro Manila dahil sa banta ng Delta coronavirus variant.

Inanunsyo ito ni presidential spokesperson Harry Roque sa press briefing nitong Biyernes, July 23.

Tatagal ang naturang quarantine classification hanggang katapusan ng Hulyo.

Bukod sa Metro Manila, itinaas din ang GCQ with heightened restrictions sa mga lugar ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao del Norte at Davao de Oro.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nagkaroon na ng local transmission ng Delta variant sa bansa.

Sa ngayon, 47 na ang kaso ng Delta variant sa Pilipinas, walo dito ang aktibong kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?