29

Oct 13, 2021 @ 16:42
By

NCR puwede na ibaba sa Alert Level 2

Maaari nang ibaba sa Alert Level 3 o kahit Level 2 ang alerto sa COVID-19 sa Metro Manila.

Ito ang pananaw ng OCTA Research batay sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 case sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na tatlong linggo na indikasyong gumaganda na ang sitwasyon.

Ayon kay Dr. Guido David, kahit sa mga unang araw pa lamang ng Oktubre ay maaring ibaba na ang Alert Level 4 patungo sa 3 o kahit aniya hanggang Level 2

“Okay na okay tayo diyan. Actually sa pananaw namin, kahit noong simula pa lang ng October baka puwede nang alert level 3. Maaaring i-consider pa mga yung Alert Level 2 base sa pagbabasa namin ng datos,” ani David.

Pero naintindihan aniya ng OCTA na iba-iba ang pagtingin sa datos at ginagamit na metrics ng Inter-Agency Task Force at Department of Health sa ginagamit nilang pagsukat sa sitwasyon ng COVID case sa Metro Manila.

“Hindi naman namin sinasabi na ito dapat, opinyon namin ito based sa findings namin at saka sa criteria na tinitingnan namin. Naintindihan natin na iba-iba yung pagtingin sa datos and for sure yung Alert Level 3 sang-ayon kami niyan,” dagdag ni Dr. David.

Bukod sa OCTA Research ay pabor na rin ang mga alkalde sa Metro Manila na ibaba na ang Alert Level 4 dahil malaki ang ibinaba ng COVID case dahil marami na ang nabakunahan sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?