13

Jul 15, 2021 @ 18:35
By

NCR Plus, GCQ hanggang Hulyo 31

Mananatili ang general community quarantine (GCQ) sa NCR Plus hanggang katapusan ng Hulyo, base sa anunsyo ng Palasyo ngayong Huwebes.

Ang NCR Plus ay binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal. Ang Laguna naman, na kasama rin sa NCR Plus, ay nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions.

Ang Bataan, Cagayan de Oro City, Davao Occidental, Davao de Oro, Davao Del Sur at Davao del Norte naman ay sasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ang Iloilo ay kabilang din sa mga nasa MECQ ngunit epektibo lamang ito hanggang Hulyo 22.

Samantala, ang iba pang lugar sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions ay Cagayan, Lucena City, Naga City, Aklan, Bacolod City, Antique, Capiz, Negros Oriental, Zamboanga del Sur at Davao City.

Habang ang mga nasa GCQ naman ay Baguio City, Apayao, Santiago City, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, Batangas, Puerto Princesa City, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Sur at Cotabato City.

Ang mga lugar na hindi nabanggit ay sasailalim sa modified GCQ hanggang Hulyo 31.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?