82

Apr 11, 2021 @ 15:16
By

NCR Plus binaba sa MECQ

Inanunsyo ng Palasyo ang paglagay ng mga lugar sa loob NCR Plus bubble sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula sa Lunes, April 12.

“Under modified enhanced community quarantine ang Metro Manila, kasama po ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque sa online briefing nitong Linggo.

Bukod sa mga nabanggit na lugar, kasama din ang Santiago, Quirino at Abra sa mga sinailalim sa MECQ.

Samantala, general community quarantine (GCQ) naman ang status sa Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur at Quezon Province.

Ang mga hindi nabanggit na lugar ay mananatili sa modified GCQ.

Ang bagong quarantine status ay ipapatupad hanggang April 30, 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?