24

Oct 11, 2021 @ 14:15
By

NCR ‘nananalo na’ kontra Delta – OCTA

Ipinagmalaki ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group ngayong Lunes na nagwawagi na ang Metro Manila laban sa pagkalat ng Delta variant.

Ayon kay David, ito ay dahil bumaba sa 0.63 ang reproduction rate at 12% ang positivity rate sa Metro Manila.

“This rate is even going down. Our 7-day average in Metro Manila is less than 2,000 [cases]…around 1,900 plus. Positivity rate in Metro Manila is 12%, and we see it going down to less than 10%. When that happens, we can say we are testing enough in Metro Manila,” pahayag ni David.

“We are managing COVID-19 cases in Metro Manila. We see that we are at the tailend of the Delta variant’s transmission in NCR (National Capital Region), as well as in surrounding areas of Calabarzon, Central Luzon. Delta variant is still there, but it has substantially fewer. Nananalo na tayo against the Delta variant,” dugtong pa niya.

Bagamat gumaganda na ang paghawak ng NCR sa mga kaso ng Delta, nagbabala pa rin si David na huwag makampante sapagkat dumarami naman ang mga kaso ng nasabing variant sa ibang rehiyon.

Samantala, sa ngayon ay mahigit 22.8 milyon Pilipino na ang kumpleto ang bakuna kontra COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?