20

Jun 26, 2020 @ 16:48
By

NCR may pinakamaraming COVID-19 active case

Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng active case ng coronavirus ang National Capital Region (NCR).

Sa update ng DOH, as of June 25, mayroon nang 9,921 active case sa NCR, sinundan ito ng Region 7 (5,902) at Region 4A (1,092).

Kasama rin sa may active case ang Region 3 (413), Region 8 (274), Region 11 (263), Region 6 (93), Region 10 (71), Region 9 (62), Region 1 (61), CAR (58), CARAGA (57), BARMM (42), Region 5 (38), Region 12 (30), Region 4B (24) at Region 2 (10).

Sa bilang na ito, 1,778 ang repatriated habang 2,758 ang “for verification”.

Kabuuan nang 22,947 ang active case ng virus sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?