64
palarong-pambansa
By

NCR, kampeon pa rin sa Palaro

Naiuwi pa rin ng National Capital Region (NCR) ang pinakamalaking bilang ng medalya sa ginanap na kompetisyon ng Palarong Pambansa sa Vigan, Ilocos Sur.

Ito na ang ika-14 sunod na nakuha ng NCR ang overall championship sa Palaro matapos ang paligsahan noong Biyernes.

Nahamig ng NCR ang 91 golds, 64 silvers, at 47 bronzes.

Malaki ang agwat nito sa pumangalawang Calabarzon, na naalpasan ang Western Visayas sa second place sa nasikwat na 52 golds, 43 silvers, at 63 bronzes.

Nalaglag naman sa pangatlo ang Western Visayas sa 40 golds, 41 silvers, at 48 bronzes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?