10
typhoon

NCR, kalapit na lalawigan uulanin, babahain ngayon Huwebes – Pagasa

Sharing is caring!

Magpapatuloy ang malakas na buhos sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan dahil sa umiiral ng southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Nagbabala din ng state weather bureau ng posibleng pagguho ng lupa at pagbaha sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Bataan, Zambales, at mga lalawigan sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Batanes, at Babuyan Group of Islands.

Kaninang alas-8:00 ng umaga, itinaas ng Pagasa ang orange rainfall warning sa Zambales at Bataan, habang yellow rainfal warning naman sa Tarlac.

Makakaranas din ng ‘light to moderate with occasional heavy rains’ ang lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, at Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?