28

Oct 13, 2021 @ 18:09
By

NCR ibababa sa Alert Level 3

Ipapatupad ang Alert Level 3 sa Metro Manila simula Oktubre 16 hanggang Oktubre 31, ayon sa Inter-Agency Task Force.

Sa ilalim nito, ang mga establisyimento gaya ng kainan at personal care services ay maaaring magpapasok ng hanggang 30% ng kanilang venue capacity at kahit bakunado o hindi.

Papayagan na ring magbukas ang mga museo, aklatan, internet cafe, bilyaran, mga arcade, casino, sabong, lotto, gym, spa, at iba pang mga leisure center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?