17

Nov 30, 2021 @ 16:05
By

NCR hindi pa handa sumailalim sa alert level 1 – Nograles

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, hindi pa umano handa ang ilang rehiyon, kagaya ng National Capital Region na sumailalim sa alert level 1.

Pahayag ni Nograles sa Laging Handa briefing nitong Martes, tuloy pa rin ang pagsasaayos at pag-finalize ng mga parameter bago ibaba ang alert level sa ibang rehiyon.

“Sa ngayon meron pa kaming tini-tweak at fina-finalize na mga parameters. Right now, hindi tayo handa na mag-declare ng any alert level 1,” paliwanag ni Nograles.

Dagdag pa nito, pinag-aaralan pa kung ano ang magiging lagay ng alert level sa darating na kapaskuhan

“As it still stands yung guidelines ng mga alert levels system natin, alert level 2, nandyan pa rin po. But, ‘pag kinakailangan i-increase alam naman po natin na kasama at kabahagi ng ating policy ‘pag in case ‘pag kinakailangan ma-increase agad ang alert level ay gagawin natin,” sabi ni Nograles.

Sa ngayon, ang NCR kabilang ang ilang lugar sa bansa ay mananatili sa alert level 2 sa kabila ng banta ng bagong variant na Omicron, magpapatuloy ito hanggang Disyembre 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?