22

Oct 19, 2021 @ 16:10
By

NCR bumabangon na sa COVID; Visayas, Mindanao nagpasaklolo ng oxygen tanks

Habang dahan-dahan nang lumuluwag ang quarantine status sa Metro Manila dahil sa pagbaba ng naitatalang daily COVID-19 cases, nangangapa naman ang mga ospital sa Visayas at Mindanao sa paghahanap ng oxygen tanks.

Ito ay matapos sabihin ng ilang pribadong ospital na patuloy pa rin sa paglobo ang naka-admit sa kanilang may “moderate to critical infections.”

Ani Jose Rene De Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines, mas sobra pa sa doble ang paglobo ng admissions ng mga ospital sa mga may malalalang kaso.

Mula kasi 5% ay naging 12% ito.

“Medyo nakokontrol naman po but then hindi ibig sabihin ay maluwag na,” wika niya sa isang briefing.

“Tumaas ang porsyento ng nako-confine na moderate, severe, at critical — lalo na ang moderate at severe medyo tumaas, almost 12%,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa mas marami pang suplay ng oxygen tanks para sa Visayas at Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?